Wednesday, December 28, 2011

Paglobo ng Populasyon

                   Nakakatuwa nga namang magkaroon ng isang masaya at malaking pamilya . Sa panahon ngayon, ang nakararaming Pilipinong magulang , lalo na ang mga mahihirap, ay nagkakanak nang wala sa tamang bilang o kung sa tutuusin ,ay hindi na nila ito makakayang suportahan pa. Kaya nama’y hindi na magkandaugaga ang pamahalaan ukol sa paglutas ng suliraning ito. Paano nga ba ito naging suliraning panlipunan? Paano kaya malulutas ang krisis na ito?

                   Marami ngayon sa pamilyang Pilipino ay nagiging harang sa pag-unlad ng industriya at ekonomiya ng bansa. Halmbawa na rito ang mga squatters na nakatira sa isang particular na lugar na hindi nila pagmamay-ari o kung sa ating tatawagin ay squatters’ area. Unahin na natin ang edukasyon, asahan na natin na kakaunti lamang ang pondo ng isang pamilya upang maipantustos nila sa kanilang pang-araw-araw na gastusin; ngunit sa kabila ng unos na katulad nito, nagsisidamihan naman ang mga anak na kinakailangang bubuhayin at pag-aaralin. Sa ibang pagkakataon, malamang ay isa lang sa bawat apat na bata lamang ang nakakapag-aral o kung sa iba nga ay wala pa. Sa pagtagal ng ganitong paulit-ulit na sitwasyon, sa pagdating ng panahon ay patuloy na dadami ang henerasyon ng mga taong walang sapat na pinag-aralan ; Dadami rin ang mga taong walang hanap-buhay , dahilan upang patuloy na tumaas ang bilang ng mga taong walang sapat na nutrisyon; Dulot nito, wala nang iba pang nanaisin ang mga magulang kundi ang makapaghagilap maipambubuhay para sa kanilang mga anak ; kaya naman tumataas ang bilang ng mga gumagawa ng krimen . Bukod sa mga isyung kinakaharap natin na tulad nito, may iba pang masasamang maidudulot ang paglobo ng populasyon.
Ang populasyon ay ang dami ng bilang ng tao sa isang payak na lugar; ngunit sa estado ng Pilipinas ngayon ay sumusobra na ang bilang ng mga tao. Sa pagkakataong mas darami pa ito, tiyak na mauubos ang natural na pinagkukunang yaman marahil ito sa sobrang dami ng nangangailangan ;kasabay rin nito ang pagkalat ng polusyon sa kapaligiran. Bagama’t ang mangilan-ngilan sa atin ay bukas ang mga isipan ukol sa pagpapanatili ng maayos na kapaligiran, ang nakararami naman ay walang pakialam sa kung anong kahihinatnan ng nakakapinsalang mga bagay-bagay sa ating kapaligiran.

         “ang pagkalabis ay nakakasama” tunay nga naman ang katagang ito lalo na kung isasalamin natin ito sa paglobo ng populasyon sa ngayon. Sa pag aksyon ng pamahalaan gaya ng ipinoproklamang pagpapatupad sa RH bill , paggamit ng mga contraceptives na  kabahagi ng pagpaplano ng pamilya. Ngunit sa itinagaltagal na panahon ang ginugol ditto ng pamahalaan, hindi parin malutasan ang patuloy na pagdami ng isinisilang sa bansa sa kada araw . Sa ating mga mamamayan magsisimula ang pagbabago upang malutasan ang suliranin na ito dahil wala nang iba pa ang magtutulungan, kundi tayo na lang.

7 comments: