Napakaganda nga namang manirahan saisang napakalinis at
maaliwalas na bahay. Kahit na sa ating
sariling tahanan ay mas gugustuhin natin na maging malinis ito kasya sa
dumumi. Sa mga kagamitan, naglalabasan ngayon ang mga usong “gadgets” na kahit
ang sarili ko ,ay lubos na gumagamit nito; Sa paglabas ng tahanan, sumasakay
tayo ng jeep tricycle o kaya’y bus upang makarating ka sa patutunguhan ng
madali at walang kahirap-hirap , sa pagkakataong tayo ay naiinitan, nagbubukas
tayo ng aircon o kaya’y kumukuha ng isang
malamig na baso ng tubig sa refrigerator. Kakailanganin talaga natin sa panahon
ngayon ang mga bagay na ito na makakapagpadali at makakapagpasaya ng bawat araw
sa buhay natin .Ngunit naiisip mo ba ang mga nakaambang na panganib na dulot ng
mga ito? Naiisip mo ba ang parte mo sa pag-init ng mundo?
Ano nga ba ang global warming? Lahat naman siguro sa ating
mga taong naninirahan sa isang sibilisadong lugar ay alam na ang kahulugan
nito. Bagamat alaman natin ang kahulugan nito, Hindi naman natin lubos na
inaalam kung paano maisasagawa ang pagpapahinto ntio . sa pangaraw-araw na ting
pammuhay, nagpapagana tayo ng iba’t-ibang appliances . sumasakay tayo sa ma
sasakyan na di-motor upang mapadali ang transportasyon, tumatangkilik tayo ng
mga produktong may pabalat na plastic ,at marami pang iba na hindi mo naman
lubos na maitatanggi na hindi ka nakapagdaragdag ng panganib sa ating kalikasan
dahil lahat naman ng tao ay nangangailangan ng mga bagay-bagy tulad ng ganito.
Ang mga usok ng sasakyan at pabrika ay may mga inihahatid na masasamang
elemento, ang mga refrigerator o airconditioner naman na ginagamit natin sa
pagpapalamig ay naglalabas ng CFC’s ,at pati na rin ang lubos na pagdami ng
greenhouse gasses dulot ng pagkakaroon ng tagas sa mga gas pipelines na
naglalabas ng methane. Ilan lamang ito sa mga sanhi ng greenhouse effect kung
saan ang init na nanggagaling sa araw ay nakukulong sa loob ng atmospera ng
ating mundo , dahilan upang lubos na ito’y uminit.
Lubos nga naming nakakatakot ang nagiging dulot ng . Nung mapanood ko ang pelikula na may
pinamagatang 2012, nakakapanindig-balahibo ang mga eksenang naganap. Malakasang
paglindol, malawakang pagbaha, at ang paggunaw ng lupa . Hindi nalalayong
mangyari ang propesiyang iyon sa tunay
na buhay nang dahil sa global warming . Sa panahon ngayon, nasaksihan natin ang
mga kalamidad o kaya’y katastropiyang nangyari sa iba’t-ibang panig ng mundo ;
lindol,walang hintong ulan, pag-akyat ng tubig, pagguho ng mga lupa at ang
paglalabas-masok ng napakaraming mga bagyo sa loob ng napakaikling panahon.
Hihintayin pa ba natin na mas tumindi ang lahat ng mga pangyayaring ito?
Hihintayin pa ba natin na maglaho nalang ang ating mga hinaharap na
kinabukasan? Tayo ang humusga sa sarili natin, pansamantalang pinatira tayo ng
Diyos sa mundong ibabaw hindi upang dungisan o sirain ang Kanyang mga nilikha,
kundi para pagyamanin at ingatan ito, nang sa gayon ay mamumuhay tayo ng payapa
at walang nakaambang panganib sa pagdating ng mahabang panahon.
No comments:
Post a Comment