Wednesday, December 28, 2011

Paglobo ng Populasyon

                   Nakakatuwa nga namang magkaroon ng isang masaya at malaking pamilya . Sa panahon ngayon, ang nakararaming Pilipinong magulang , lalo na ang mga mahihirap, ay nagkakanak nang wala sa tamang bilang o kung sa tutuusin ,ay hindi na nila ito makakayang suportahan pa. Kaya nama’y hindi na magkandaugaga ang pamahalaan ukol sa paglutas ng suliraning ito. Paano nga ba ito naging suliraning panlipunan? Paano kaya malulutas ang krisis na ito?

                   Marami ngayon sa pamilyang Pilipino ay nagiging harang sa pag-unlad ng industriya at ekonomiya ng bansa. Halmbawa na rito ang mga squatters na nakatira sa isang particular na lugar na hindi nila pagmamay-ari o kung sa ating tatawagin ay squatters’ area. Unahin na natin ang edukasyon, asahan na natin na kakaunti lamang ang pondo ng isang pamilya upang maipantustos nila sa kanilang pang-araw-araw na gastusin; ngunit sa kabila ng unos na katulad nito, nagsisidamihan naman ang mga anak na kinakailangang bubuhayin at pag-aaralin. Sa ibang pagkakataon, malamang ay isa lang sa bawat apat na bata lamang ang nakakapag-aral o kung sa iba nga ay wala pa. Sa pagtagal ng ganitong paulit-ulit na sitwasyon, sa pagdating ng panahon ay patuloy na dadami ang henerasyon ng mga taong walang sapat na pinag-aralan ; Dadami rin ang mga taong walang hanap-buhay , dahilan upang patuloy na tumaas ang bilang ng mga taong walang sapat na nutrisyon; Dulot nito, wala nang iba pang nanaisin ang mga magulang kundi ang makapaghagilap maipambubuhay para sa kanilang mga anak ; kaya naman tumataas ang bilang ng mga gumagawa ng krimen . Bukod sa mga isyung kinakaharap natin na tulad nito, may iba pang masasamang maidudulot ang paglobo ng populasyon.
Ang populasyon ay ang dami ng bilang ng tao sa isang payak na lugar; ngunit sa estado ng Pilipinas ngayon ay sumusobra na ang bilang ng mga tao. Sa pagkakataong mas darami pa ito, tiyak na mauubos ang natural na pinagkukunang yaman marahil ito sa sobrang dami ng nangangailangan ;kasabay rin nito ang pagkalat ng polusyon sa kapaligiran. Bagama’t ang mangilan-ngilan sa atin ay bukas ang mga isipan ukol sa pagpapanatili ng maayos na kapaligiran, ang nakararami naman ay walang pakialam sa kung anong kahihinatnan ng nakakapinsalang mga bagay-bagay sa ating kapaligiran.

         “ang pagkalabis ay nakakasama” tunay nga naman ang katagang ito lalo na kung isasalamin natin ito sa paglobo ng populasyon sa ngayon. Sa pag aksyon ng pamahalaan gaya ng ipinoproklamang pagpapatupad sa RH bill , paggamit ng mga contraceptives na  kabahagi ng pagpaplano ng pamilya. Ngunit sa itinagaltagal na panahon ang ginugol ditto ng pamahalaan, hindi parin malutasan ang patuloy na pagdami ng isinisilang sa bansa sa kada araw . Sa ating mga mamamayan magsisimula ang pagbabago upang malutasan ang suliranin na ito dahil wala nang iba pa ang magtutulungan, kundi tayo na lang.

Pag-init ng Mundo


             Napakaganda nga namang manirahan saisang napakalinis at maaliwalas na bahay. Kahit na sa ating  sariling tahanan ay mas gugustuhin natin na maging malinis ito kasya sa dumumi. Sa mga kagamitan, naglalabasan ngayon ang mga usong “gadgets” na kahit ang sarili ko ,ay lubos na gumagamit nito; Sa paglabas ng tahanan, sumasakay tayo ng jeep tricycle o kaya’y bus upang makarating ka sa patutunguhan ng madali at walang kahirap-hirap , sa pagkakataong tayo ay naiinitan, nagbubukas tayo  ng aircon o kaya’y kumukuha ng isang malamig na baso ng tubig sa refrigerator. Kakailanganin talaga natin sa panahon ngayon ang mga bagay na ito na makakapagpadali at makakapagpasaya ng bawat araw sa buhay natin .Ngunit naiisip mo ba ang mga nakaambang na panganib na dulot ng mga ito? Naiisip mo ba ang parte mo sa pag-init ng mundo?

             Ano nga ba ang global warming? Lahat naman siguro sa ating mga taong naninirahan sa isang sibilisadong lugar ay alam na ang kahulugan nito. Bagamat alaman natin ang kahulugan nito, Hindi naman natin lubos na inaalam kung paano maisasagawa ang pagpapahinto ntio . sa pangaraw-araw na ting pammuhay, nagpapagana tayo ng iba’t-ibang appliances . sumasakay tayo sa ma sasakyan na di-motor upang mapadali ang transportasyon, tumatangkilik tayo ng mga produktong may pabalat na plastic ,at marami pang iba na hindi mo naman lubos na maitatanggi na hindi ka nakapagdaragdag ng panganib sa ating kalikasan dahil lahat naman ng tao ay nangangailangan ng mga bagay-bagy tulad ng ganito. Ang mga usok ng sasakyan at pabrika ay may mga inihahatid na masasamang elemento, ang mga refrigerator o airconditioner naman na ginagamit natin sa pagpapalamig ay naglalabas ng CFC’s ,at pati na rin ang lubos na pagdami ng greenhouse gasses dulot ng pagkakaroon ng tagas sa mga gas pipelines na naglalabas ng methane. Ilan lamang ito sa mga sanhi ng greenhouse effect kung saan ang init na nanggagaling sa araw ay nakukulong sa loob ng atmospera ng ating mundo , dahilan upang lubos na ito’y uminit.

           Lubos nga naming nakakatakot ang nagiging dulot ng  . Nung mapanood ko ang pelikula na may pinamagatang 2012, nakakapanindig-balahibo ang mga eksenang naganap. Malakasang paglindol, malawakang pagbaha, at ang paggunaw ng lupa . Hindi nalalayong mangyari ang propesiyang iyon  sa tunay na buhay nang dahil sa global warming . Sa panahon ngayon, nasaksihan natin ang mga kalamidad o kaya’y katastropiyang nangyari sa iba’t-ibang panig ng mundo ; lindol,walang hintong ulan, pag-akyat ng tubig, pagguho ng mga lupa at ang paglalabas-masok ng napakaraming mga bagyo sa loob ng napakaikling panahon. Hihintayin pa ba natin na mas tumindi ang lahat ng mga pangyayaring ito? Hihintayin pa ba natin na maglaho nalang ang ating mga hinaharap na kinabukasan? Tayo ang humusga sa sarili natin, pansamantalang pinatira tayo ng Diyos sa mundong ibabaw hindi upang dungisan o sirain ang Kanyang mga nilikha, kundi para pagyamanin at ingatan ito, nang sa gayon ay mamumuhay tayo ng payapa at walang nakaambang panganib sa pagdating ng mahabang panahon.